"HAVE FUN IN AFRICA"
Silang Mapapalad
ni Maya Angelou
na isinalin ni Kiko ManaloMapapalad ang mga walang pangarap
Dahil hindi nila kailangang hagilapin,
Ang mga “x” ni Math
Na kaytagal nang hinahanap
Hindi pa rin mahagilap.
Mapalad ang mga walang pangarap,
‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan
Kung ano ang kahulugan
Ng Statistics at Trigo
Sa buhay ng tao.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpasya,
Kung ano ang pipiliin
Aklat ba o DOTA,
Facebook ba o Algebra.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang magpumilit,
Na magsalita ng English,
At dila’y mamilipit
Kapag kausap si Masungit.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang pag-aralan,
Ang mga bayani ng bayan
At magkakasalungat na istorya,
Sa libro ng akademya.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mamalimos,
Ng mga uno at dos,
Sa ilang gurong nakasentro
Sa pagtitinda ng tocino.
Mapalad ang mga walang pangarap,
Dahil hindi nila kailangang mag-imbento
Ng matataas na grado,
Sa nanay at tatay,
Na umaasang ang buhay,
Ay maiaahon ng mahinusay...
Silang mapapalad...
Comments
Post a Comment