ANG PANG-AABUSO SA KAPANGYARIHAN
Sa bansa natin ngayon, ang malaking problema dito ay ang pamahalaan, dahil ito rin ay isang importanteng bagay na mahalaga para sa isang bansa. Kaso lang dito ay magulo at palpak ang sistema ng pamahalaan. Ang dahilan kung bakit ganyan ang gobyerno dahil sa kanilang korapsyon ay gusto lang nila ng pera. Higit pa sa pera ay gusto nila ng kapangyarihan para makagawa sila ng gusto lang nila at hindi para sa bansa. Sobra ang pang-aabusong ginagawa ng mga may katungkulan noon sinasamantala nila na sila ay may kapangyarihan, gusto nilang lahat ng pinag-uutos nila ay masusunod kahit ito ay mali, kahit naman magpasahanggang ngayon ay ginagawa parin ito ng ilang naka pwesto sa pamahalaan, ginagamit nila ang kanilang katungkulan para mapangurakot at makapanglamang sa kapwa. Ang isang lipunang may demokrasya ay nagagarantiya ng pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga tao maging mayaman man ito o mahirap. Ang pamahalaan ang siyang nangangalaga sa pantay na karapatang ito at siya ring umuusig sa mga mapang-abuso. Ang kapangyarihang mayroon ang pamahalaan ay ipinagkakaloob lamang ng mga tao na nananalig sa katapatan ng gobyerno at ng mga ahensya nito. Kung ang mga patakarang ipinaiiral upang magkaroon ng kabutihan sa isang lipunan, ay sumasalungat sa unang prinsipyo ng demokratikong bansa, kung saan ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng bawat miyembro ng lipunan ay mahalaga, dapat itong baguhin upang maging angkop sa Saligang Batas na siyang pangunahing gabay ng isang lipunan. Ito ay ang iyong maaaring sabihin, isang perpektong halimbawa ng kasamaan at pang aabuso ng kapangyarihan ng gobyerno dito sa bansa.
Ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusyon na ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado; na nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan. Ang Pilipinas ay isang republikang may pampanguluhang anyo ng pamahalaan kung saan pantay na nahahati ang kapangyarihan sa tatlong sangay nito: ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura. Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang sistema ng pamahalaan ay ang prinsipyo ng paghahati ng kapangyarihan, kung saan nasasailalim sa Kongreso ang paggawa ng mga batas, nasasailalim sa Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga ito, at nasasailalim sa Hudikatura ang pagpapasya sa mga kontrobersiyang legal. Dahil sa pagkakahati nito, mas naging mapang-abuso ang ilang mga nanunungkulan sa kanilang kapangyarihan. Hindi lamang ang mga nanunungkulan ang naging mapang-abuso, ngunit kasali nadin ang ilang mga makapangyarihang mamamayan. Naimpluwensyahan nila ang mga gawain ng ilang mga nanunungkulan, kaya nagawa din nilang mang-abuso ng kapangyarihan sa sarili nilang mamamayan. Hindi ito matitigil hanggang hindi pinapakita ng mga nanunungkulan ang kanilang pagiging abusado sa kanilang kapangyarihan o posisyon, dahil mabilis itong makakaapekto sa mga mamamayan. Lalo na't ngayon, mas unti-unting lumalaki ang ulo ng mga tao. Nagsisimula ang lahat sa pamamahala ng pamahalaan at dito rin nagsimula ang mga problema dahil sa pagiging sakim. Paano uunlad ang ating bansa kung ang mga problema mismo ay nasa pamamahala at sa pamahalaan ay hindi matigil?
Sa kabuuan, masasalamin ang isyung panlipunang ito sa nobelang isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na Noli Me tangere. Ngunit mas nangingibabaw ang pang-aabuso ng kapangyarihan ng mga pari na nabibilang sa nobelang kinaroroonan. Ang isyung ito ay hindi lamang sumasalamin sa nobela, kundi narin sa panahon noon at panahon ngayon, dahil nagsimula ito sa lahat sa pamahalaan. Hindi maitatanggi na dahil sa pagiging sakim at pagiging abusado ay naaapektuhan na dito ang mga tao, lalong lalo na ang mga kabataan. Walang pinipiling katayuan, mapayaman man o mahirap, basta't mataas ang ranggo nila sa mga mabababang tao. Na kung saan, ang mga nanunungkulan ay importante sa pag-unlad at paglago ng bansa at sa mga mamamayan; kung wala ito hindi magiging magkakaisa ang bawa't isa. At dahil sa iba ang kagustuhan ng ibang tao, naging matigas ang kanilang mga ulo kay nagkakagulo tayo. Pero sapat ba na dahilan ang kagustuhan ng bawat isa kaya hindi kaya ng iba na sumunod? Oo, iba-iba tayo ng pananaw sa buhay, ngunit kung tayo mismo ay hindi susunod, paano nalang kaya yung mga taong walang kapangyarihan o walang-wala sa buhay na tinatapaktapakan lamang ng mga mapagmataas na tao? Kapangyarihan ay hindi sisira sa mga tao; mga tao mismo ang sisira sa kapangyarihan.
Comments
Post a Comment