"HAVE FUN IN AFRICA" Silang Mapapalad ni Maya Angelou na isinalin ni Kiko Manalo Mapapalad ang mga walang pangarap Dahil hindi nila kailangang hagilapin, Ang mga “x” ni Math Na kaytagal nang hinahanap Hindi pa rin mahagilap. Mapalad ang mga walang pangarap, ‘Pagkat hindi nila kailangang sagutan Kung ano ang kahulugan Ng Statistics at Trigo Sa buhay ng tao. Mapalad ang mga walang pangarap, Dahil hindi nila kailangang magpasya, Kung ano ang pipiliin Aklat ba o DOTA, Facebook ba o Algebra. Mapalad ang mga walang pangarap, Dahil hindi nila kailangang magpumilit, Na magsalita ng English, At dila’y mamilipit Kapag kausap si Masungit. Mapalad ang mga walang pangarap, Dahil hindi nila kailangang pag-aralan, Ang mga bayani ng bayan At magkakasalungat na istorya, Sa libro ng akademya. Mapalad ang mga walang pangarap, Dahil hindi nila kailangang mamalimos, Ng mga uno at dos, Sa ilang gurong nakasentro Sa pagtitinda ng tocino. Mapalad ang mga walang pangarap, Dahil hindi nila kailan
Posts
Showing posts from February, 2021
- Get link
- X
- Other Apps
ANG IBONG NAKAHAWLA ni MAYA ANGELOU Isang ibon ang umigpaw s a likod ng hangin At nagpalutang pababa sa may ilog Hanggang sa magwakas ang agos At nagtawtaw ng kanyang mga pakpak s a kahel na silahis ng araw At nangahas angkinin ang langit Ngunit ang isang ibong nalilisik s a kanyang makitid na hawla Ay bihirang makasilip s a mga rehas ng kanyang pagngingitngit Mga pakpak niya'y pinutulan at m ga paa'y tinalian Kaya't siya'y nagbuka ng tuka upang makaawit Ang ibong nakahawla'y umaawit Nang may kasindak-sindak na tinig n g tungkol sa di-batid na mga bagay Ngunit minimithi ang kapayapaan a t ang kanyang himig ay naririnig s a malayong burol Sapagkat ang ibong nakahawla'y u maawit ng kalayaan Ang malayang ibon nama'y nag-iisip ng ibang simoy n g hangin malamyos sa mga punong nagbubuntong-hininga Ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga At ang langit ay itinuturing na kanyang sarili Ngunit ang isang ibong nakahawla'y nakatayo sa