ANG PANG-AABUSO SA KAPANGYARIHAN
Sa bansa natin ngayon, ang malaking problema dito ay ang pamahalaan, dahil ito rin ay isang importanteng bagay na mahalaga para sa isang bansa. Kaso lang dito ay magulo at palpak ang sistema ng pamahalaan. Ang dahilan kung bakit ganyan ang gobyerno dahil sa kanilang korapsyon ay gusto lang nila ng pera. H igit pa sa pera ay gusto nila ng kapangyarihan para makagawa sila ng gusto lang nila at hindi para sa bansa. Sobra ang pang-aabusong ginagawa ng mga may katungkulan noon sinasamantala nila na sila ay may kapangyarihan, gusto nilang lahat ng pinag-uutos nila ay masusunod kahit ito ay mali, kahit naman magpasahanggang ngayon ay ginagawa parin ito ng ilang naka pwesto sa pamahalaan, ginagamit nila ang kanilang katungkulan para mapangurakot at makapanglamang sa kapwa. Ang isang lipunang may demokrasya ay nagagarantiya ng pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga tao maging mayaman man ito o mahirap. Ang pamahalaan ang siyang nangangalaga sa pantay na karapatang ito a