Posts

Showing posts from March, 2021
Image
PERFORMANCE TASK SA FILIPINO ANG ISYUNG PANLIPUNAN:      Ang isyung panlipunan na makikita sa bidyu na mauugnay sa El Filibusterismo ay ang masamang pagmamaltrato. Sa bidyu, makikita natin na hindi pisikal ang pagmamaltrato kundi emosyonal at pagpapabaya (emosyonal na aliw o "Emotional Comfort) na umaapekto sa kalusugan ng isip ni Raven sa kadahilanan nga na hindi lubos alam ng ina ni Raven ang kanyang pinagdadaanan kaya sa huli nagsisisi ito. Pinapakita sa bidyu na kahit magkasama nga kayo sa isang bubong pero hindi mo lubos alam ang emosyonal nitong pinagdadaanan, hindi mo rin malalaman kung ano na ang nagyayari sa kanya. Ang emosyonal na pang-aabuso sa masamang pagtrato ay hindi dapat gaanong binabahala lalo na't malaki ang maging epekto nito.      Sa Kabanata 30 naman, pisikal ang pagmamaltrato kung saan si Juli ay hinalay ng pari na si Padre Camorra na siyang nagtulak sa dalaga para tumalon ito sa bintana dahil sa hindi kinayang kahihiyang ginawa sa kanya. Alam ng dalaga